Hiling
a poem by curioshittii
Tanging hiling ko lang,
Ay ang mabuhay ang bawat Pilipino,
Nang malaya mula sa mga demonyong
Gahaman sa kayamanan.
Inutil sa pagseserbisyo sa kapwa;
Naroon sila sa kani-kanilang tirahan,
Aruga ng diyos, kanilang damang-dama.
Maralitang lumalaban nang patas,
Oras-oras ay tinataksil ng poong inupo sa trono.
Dugong dumanak noon,
Umaalingasaw pa rin hanggang ngayon.
Terminong inakala'y magdadala ng biyaya,
Eradikasyon pala'y dala.
Realidad na ating kinagisnan,
Tinarantado ng kunsinoman.
Etnikong dugo, gising, at lumaban sa berdugo!